Breaking News

Advertisement

Buntis at nagpapasusong ina, Pwedi ng isama sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga buntis at nagpapasusong ina.

Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health at iba pang kaukulang ahensya sa sectoral meeting sa Malakanyang ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay para matiyak ang maayos na kalusugan ng mga sanggol sa kanilang unang 1000 araw.

Bukod dito, inaprubahan din ni PBBM ang mungkahi ng DSWD at inatasan ang ahensya kasama ang NEDA na isapinal  kung magkano ang dapat na pagtaas  para sa kakailanganing dagdag ba suporta.

Sa ilalim ng kasalukuyang programa, ang 4Ps beneficiary-family ay tumatanggap ng daycare at elementary grant na P300 bawat bata kada buwan sa loob ng 10 buwan; P500 para sa junior high school, at P700 sa senior high school.

P750 kada buwan naman ang tinatanggap ng bawat household sa loob ng isang taon para sa growth development at monitoring ng mga batang nasa edad 2-14 years old.

Nauna nang sinabi ng DSWD na ang adjustment ay magpapataas sa purchasing power ng 4Ps beneficiaries at magbibigay ng insentibo sa mga ito para paghusayin ang compliance sa mga kondisyon ng programa na tutugon sa problema sa malnutrisyon at pagkabansot.

Post a Comment

0 Comments