Breaking News

Advertisement

2 suspek sa pagpatay at panghahalay ng grade 6 student, Arestado.

Nadakip na ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagpatay at panghahalay sa 11-anyos na Grade 6 student na natagpuan sa masukal na bahagi ng Brgy. Sta. Clara, General Trias City, Cavite kamakailan.

Kinila ang mga suspek na sina alyas CJ, isang construction worker at alyas Alex, driver. Kapwa residente ng lungsod ang dalawa.

Nahuli ang dalawa kasunod ng ikinasang operasyon ng General Trias City Police matapos matagpuan ang bangkay ng biktima.

Base sa autopsy report, lumalabas na halinhinang ginahasa ng dalawang suspek ang biktima at namatay ito sa pananakal.

Noong Linggo, Hunyo 9, unang iniulat na nawawala ang biktima at natagpuan ang bangkay nito noong Martes ng tanghali.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa custodial facility ng General Trias Component City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong Rape with Homicide.

Post a Comment

0 Comments