Breaking News

Advertisement

Babae Pinag-agawan ng dalawang lalaki sa pangasinan, isa ang patay!


Hindi na nagising mula sa himbing ng pagkakatulog ang 35-anyos na lalaki na si Jeffrey Jose matapos siyang pagsaksakin sa loob mismo ng bahay sa Barangay Minien East. Sta. Barbara, Pangasinan. 

Katabi ng biktima ang 35-anyos na babae na itago sa pangalang Maricar na nasaksak din matapos umawat. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok sa bahay ang ex ni Maricar na si Richard Quicho, 33-anyos na may dalang patalim. Bigla niyang inundayan ng saksak si Jeffrey. Sa tindi ng saksak, hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jeffrey. 

Ayon sa pulisya, hindi raw matanggap ni Richard na may kasamang lalaki si Maricar sa bahay. Hindi pa raw kasi opisyal na hiwalay sila. Sumuko si Richard sa pulisya at inamin niyang napatay niya ang biktima dahil sa sobrang selos.

Hustiya naman ang sigaw ng mga kaanak ni Jeffrey. 

Post a Comment

0 Comments