Breaking News

Advertisement

Mga pampasabog narekober sa Daraga, Albay.

𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚, 𝗡𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗚𝗔, 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬 | Natagpuan ng Regional Intelligence Unit 5 ang mga gamit na pampasabog sa bahagi ng Brgy. San Vicente Grande, bayan ng Daraga, Albay.

Ayon kay PMSG. Gerson Rentosa, Investigator on Case ng Daraga Municipal Police Station, nagsagawa ng minor ISO operation o Oplan Pagtutugis ang nasabing unit kasabay RMFB, RID, Philippine Army, at iba pa kung saan natagpuan sa madamong lugar ang anim na pirasong cylindrical IED, cellphone, dokumento at iba pa.

Posible umanong itinago ang mga ito malapit sa kalsada ng nasabing barangay at maaaring may kaugnayan sa nangyaring harassment dahil malapit lamang ito sa bayan ng Jovellar. 

Sinabi pa ng opisyal, ang mga narekober ay gagamitin ng pinaniniwalaang NPA laban sa gobyerno at ang nabanggit na barangay ay may presensya pa rin ng rebeldeng grupo kaya’t patuloy pa rin ang kanilang ginagawang operasyon sa lugar.

Post a Comment

0 Comments