Breaking News

Advertisement

Dating kagawad, Tinambangan sa cavite, Patay.

Isang dating kagawad ang patay matapos tambangan habang sakay ng minamanehong kotse sa kahabaan ng Brgy. Salinas 1, Bacoor, Cavite.

Ang biktima ay kinilala bilang si Eleuterio Calilung III na isang dating kagawad sa Brgy. Salinas 2 ng parehong lungsod. 

Ayon sa imbestigasyon, habang sakay umano ng kanyang sasakyang Honda Civic ay nabatid na umano ng biktima na siya ay binubuntutan na ng isang itim na Honda Beat na motorsiklong may sakay na dalawang lalaki. 

Nang madikitan ang kotse ay agad pinagbabaril ng mga nasabing salarin ang dating konsehal. Nang mapuruhan ang biktima ay agad silang tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Post a Comment

0 Comments