Breaking News

Advertisement

Boarding House Ng Isang tour guide sa boracay ni-raid ng mga awtoridad, baril at mga bala narekober.

Kulong ang isang senior citizen matapos makuhaan ng mga baril at bala ang kanyang boarding house nang halughugin ng mga kapulisan ngayong Sabado ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jamal Marin, 63 anyos, isang tour guide at residente ng Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay.

Nakuha sa tinutuluyan ng suspek ang isang caliber 45 na baril at dalawang magazine na may pitong bala bawat isa.

Ayon kay PLTCOL. Mar Joseph Ravelo, hepe ng Malay PNP, malaking banta sa isla ng Boracay si Marin.

Dagdag pa niya, dati na rin itong nahuli dahil sa kaso sa iligal na droga noong 2015.

Pansamantala munang ikinustodiya sa Malay PNP Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Post a Comment

0 Comments