Breaking News

Advertisement

Balat Ng Ahas Na May Habang Halos 16 Feet, Natagpuan Sa Pangasinan.


Nagdulot ng takot sa mga residente sa Brgy. Bued, Calasiao sa Pangasinan ang natagpuang balat ng ahas na may habang halos 16 talampakan nitong Miyerkoles, Feb. 28.

Sa pangunguna ni Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, nagsama-sama ang #PNP Calasiao, MDRRMO, MENRO, at Bued Barangay Council para imbestigahan ang lugar kung saan ito natagpuan.

“Ayon sa vlogger at snake rescuer na si Princess Tuklaw, ito ay maaaring isang ‘Reticulated Python,’ na may edad na halos 30, at may habang 16-25 feet,” saad ng alkalde sa kanyang post.

Mahigpit namang ipinagbabawal ng PNP at barangay ang pagpunta sa nasabing lugar dahil ito ay pinamumugaran ng iba’t ibang klase ng ahas.

Abiso rin ng MDRRMC sa mga residente, maging alerto at bantayan ang kanilang mga alaga kasunod ng mga ulat ng pagkawala ng ilang hayop sa lugar.

Post a Comment

0 Comments