Breaking News

Advertisement

10-Anyos na lalaki, inatake ng mga turong-patay


Patay ang isang 10-anyos na lalaki nang atakihin umano ng mga turong nitong hapon ng Biyernes, Ika-26 ng Enero sa Barangay Tanatanaon, Dumaran, Palawan.

Ayon sa tiyuhin ng biktima na si Bobby Quindo, kasama ng bata ang kaniyang aso na naglalakad sa labas ng kanilang tahanan nang masagi ng aso ang bahay ng mga turong.

Nagawa pa umanong tumakas ng bata mula sa mga turong ngunit nahirapan na itong huminga at binawian ng buhay makaraan ang isang oras.
Dagdag pa ni Bobby, tadtad  umano ng tusok ng turong ang katawan ng kanyang pamangkin.

Post a Comment

0 Comments