Breaking News

Advertisement

Lokal na pamahalaan ng Camalig Albay, Bayanihan sa kalinisan program ng DILG.

𝐋𝐎𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆 𝐀𝐋𝐁𝐀𝐘, 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐈𝐒𝐀𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐋𝐆

All force na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Camalig Albay sa pagsasagawa ng KALINISAN Program ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakatakdang ilunsad sa Enero 6 ngayong taon. 

Pinangunahan ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. katuwang ang mga Punong Barangay at Sangguniang Kabataan council sa pagtalakay sa magiging aktibidad para sa pakikiisa sa ikakasang KALINISAN Program sa buong bayan. 

Ilan sa mga insiyatibo na isasagawa ay ang paglilinis ng mga baradong kanal at iba pang daluyan ng tubig, gayundin ang pagwawalis sa mga kalye at pagpuputol ng mga sanga ng puno na maaaring magdulot ng panganib sa publiko. Pag-alis sa mga sagabal sa pampublikong lugar at sa mga pinamumugaran ng lamok at wastong pagtatapon ng mga basura. 

Samantala, hinimok din ng alkalde ang buong partisipasyon ng mga TUPAD beneficiaries para sa paglulunsad ng programa. 

Matatandaan na hinikayat ng DILG ang mga local government unit (LGU) at mga Sangguniang Kabataan na makiisa sa ikakasa nitong bagong programa ngayong 2024 na Kalinisan sa Bagong Pilipinas. Alinsunod ito sa inilabas na DILG MC 2024-001 na isasabay sa selebrasyon ng taunang Community Development Day sa January 6, 2024.

Post a Comment

0 Comments