Breaking News

Advertisement

Lalaki at runner nito, huli sa drug bust sa Kalibo

Huli ang isang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng PDEU-Aklan at Kalibo PNP sa may N. Roldan St., Kalibo kaninang pasado ala una ng madaling araw.

Kinilala ang subject person na si Rico Salarda alyas ‘jun’, 47yo, native ng Mindanao, habang nahuli din ang umano’y runner nito na kinilalang si Roel Apolinario alyas ‘nene’. 

Si alyas ‘nene’ ang mismong tumanggap ng buybust money na P2,200 kapalit ng isang sachet ng suspected shabu. 

Sa isinagawang body search sa dalawa, nakarekober pa ang mga otoridad ng 12 sachets ng suspected shabu na nakalagay sa kaha ng sigarilyo. 

Nakatakdang dalhin ang dalawa sa Capiz para sumailalim sa drug test. 

Napag alaman na may isang buwan ng minomonitor ng mga otoridad ang naturang subject person.

Post a Comment

0 Comments