Breaking News

Advertisement

Jiro Manio ibinenta ang urian best actor trophy sa halagang php75k

Jiro Manio sa pagbenta ng isa sa kanyang mga trophy: “Happy po ako... Nagpapasalamat ako..."

Usap-usapan ngayon sa social media ang former child actor na si Jiro Manio
dahil sa isang vlog ng collector na si Boss Toyo na kilala rin sa pagiging owner ng Facebook page na Pinoy Pawnstars.

Sa naturang vlog, mapapanood ang pagbisita ni Jiro sa shop ni Boss Toyo upang mag-alok ng isang mahalagang bagay para ibenta.

Ito ay ang kanyang Urian Best Actor trophy na naiuwi niya noong 2004 mula sa kanyang pelikula na Magnifico.

Unang inalok ni Jiro ang kanyang trophy sa halagang 500,000 pesos ngunit nagtapos ang tawaran nila ni Boss Toyo sa halagang 75,000 pesos.

Photo Courtesy: Boss Toyo

Post a Comment

0 Comments