Breaking News

Advertisement

Drug Suspect, Huli Sa Aborlan, Palawan

Huli sa drug buy bust operation ng mga awtoridad ang isang lalaki pasado alas-siyete  ngayon gabi sa Sitio Mayligan Barangay Iraan Aborlan, Palawan.

Kinilala ang suspek na si Marcos Rugon Quijano III, 33 anyos na residente umano ng Lunsod ng Puerto Princesa City.

Nahuli ito sa pinagsamang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit o PDEU at Aborlan PNP.

Nakuha sa suspek ang dalawang (2) na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, P2,000 Fake money at pera na ginamit sa transakyon na nagkakahalaga ng P500.

Samantala,nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act Of 2002.

Post a Comment

0 Comments