Breaking News

Advertisement

Dating Psu Dean Na Si Dr. Andoy, inaresto ng cidg.


Inaresto ng mga kawani ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dating Dean ng College of Criminal Justice Education (CCJE) ng PSU na si Dr. Vilma Venus Andoy.

Ito ay matapos umanong ireklamo at kasuhan ng "Grave Oral Defamation" o paninira at pang-iinsulto ayon sa CIDG.

Si Andoy ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa loob mismo ng unibersidad bandang alas-singko ng hapon nitong Lunes, Ika-22 ng Enero.

Matatandaan, una nang inireklamo si Dr. Andoy ng ilang alumni ng CCJE dahil sa ilang paglabag sa karapatan ng mga estudyante at korapsyon.





Post a Comment

0 Comments