Breaking News

Advertisement

Bangkay ng isang lalaki, Natagpuan sa Minante Uno.

Hinihinalang posibleng kahapon pa nasa gilid ng daan ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan kanina lamang sa Minante Uno, Cauayan City.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News Team, positibong kinilala ang lalaki na si Noel Bautista, 54-anyos at residente ng Research Minante Uno.

Salaysay ng mga unang nakakita sa bangkay, inakalang natutulog lamang ito ngunit napag-alaman na isang daang metro ang layo ng pagka-park ng kaniyang motorsiklo.

Sa pagsisiyasat ng kapulisan, walang nakitang malubhang galos sa katawan nito ngunit mayroong mga kaunting gasgas at pinaniniwalaang kahapon pa ang bangkay dahil nangangamoy na.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat ng kapulisan hinggil dito.

Post a Comment

0 Comments