Breaking News

Advertisement

4Ps member, Pinaaalahanan ng DSWD ukol sa pag sangla ng ATM

4Ps members, pinaaalahanan ng DSWD ukol sa sangla ATM

KORORONADAL CITY- NAGPAALALA ngayon ang Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 sa lahat ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na iwasan ang pag-sangla ng mga ATM cards. 

Ito'y makaraang dumadami umano ngayon ang naitatalang kagaya nitong insidente sa ilang mga miyembro. 

Hinihikayat ng ahenya ang lahat na agad i-report sa kanilang opsina ang gaya nitong insidente upang aga na mabigyan ng karampatang aksyon. 

Nabatid na ang pag-sangla ng ATM cards ng mga 4Ps members ay mahigpit na pinagbabawal dahil sa posibilidad na ito sila ay matatanggal sa programa sa oras na mapatunayan. 

Ang pinakalayunin ng programa na matulungan ang mahihirap na mga pamilya na masagot ang kanilang mga pangangailangan sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng 4Ps benefits.

Kaugnay nito, maaari lamang umanong tumawag sa mga numero ng: Cotabato Provincial Cluster Office sa 09982579697; Sarangani & General Santos City Cluster Office sa 09483943858; South Cotabato Provincial Cluster Office sa 09481129900; at Sultan Kudarat Provincial Cluster Office sa 0929 663 6078.

Post a Comment

0 Comments