Breaking News

Advertisement

3 Buwan na sanggol, Patay matapos kagatin ng aso sa ulo.

Nasawi ang isang 3 buwang gulang na sanggol na babae matapos umano itong lapain ng isang asong ligaw sa ulo kamakailan sa Lower Irasan Roxas, Zamboanga del Norte.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente habang naglilinis umano ng kuko ang mga magulang ng sanggol sa tabi ng isang gasolinahan sa kanilang lugar.

Sa viral na CCTV video, makikita ang biglang pagdaan ng isang aso sa gasolinahan na kinaroroonan ng mag-asawa at dumiretso ito sa loob ng isang bahay.

Maya-maya pa'y nakarinig ng malakas na pag-iyak ang mag-asawa kung kaya't dali-dali silang nagtungo sa loob ng bahay.

Dito napagalamang kinagat na pala ng ligaw na aso ang sanggol sa kaliwang bahagi ng ulo nito. 

Nakunan din ng CCTV ang paghambalos ng ama ng sanggol sa ligaw na aso ngunit agad din itong nakatayo at nakatakbo na parang walang nangyari.

Nagtamo ng malaki sugat sa ulo ang 3 buwang sanggol na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, naniniwala naman ang karamihan na "aswang" o nagkunwari lamang na aso ang umatake sa nasabing sanggol.

Post a Comment

0 Comments