Breaking News

Advertisement

Kinikita ng mga Badjao sa panlilimos, kumikita ng 5,000 kada araw

Umaabot umano sa P5,000 kada araw ang kinikita ng mga badjao panmamalimos. Ito ang nadiskubre ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development na si Sec. Erwin Tulfo, baso sa kanilang social worker. 

"I found out, base sa social worker namin, sa interview, kumikita sila ng parang P5,000 per day," ayon sa kalihim.

Kung susumahin, mas malaki pa ito sa arawang kita ng minimum wage earner sa bansa.

"Unfortunately, while in the process of rescuing them. We found out several things. Mayroon silang inuupahan diyan, na parang bahay sa Tondo, parang board and lodging," ayon kay Tulfo.  

Matatandaang  kamakailan ay inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development na nasa 100 Badjao ang nai-rescue nila noong nakaraang linggo. 

Sa bawat pamilyang na-rescue, bibigyan ito ng kagawaran ng P10,000 ayuda upang makapagsimula ng kabuhayan.

Post a Comment

0 Comments