Breaking News

Advertisement

Motor Show na umanoy nagmistulang bold show sa tayug, Iniimbestigahan ng pulis

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motor show na umanoy nagmistulang bold show matapos magsayaw ang ilang lalaki nang nakahubad at may nagbaba pa ng brief habang nasa entablado sa bayan ng Tayug, Pangasinan.

Batay sa pulisya, isinagawa ang motors show sa gymnasium sa naturang bayan. Sa video naman na kumalat maging sa social media, makikita ang ilang kalalakihan na nasa entablado ang nagsayaw nang nakahubad.

May pagkakataon din na may nagbaba ng kanilang brief habang nakatakip ang isang kamay sa maselang bahagi ng kanilang katawan.
Marami umano ang nadismaya sa nangyari, pati na ang lokal na pamahalaan na iginiit na permit para lamang sa motor show ang ibinigay nila sa organizer.

Dagdag ng otoridad, lima ang lalaking sangkot sa pagsasayaw na nagsimula umano sa isang "challenge” at tatlo sa mga ito ay residente sa Tayug.

Nakausap na rin umano ng pulisya ang mga nag-organisa ng motor show.

"Yung dalawa umamin na nakainom sila, inamin noong isa na nakatiyawan, hindi nila namalayan na hubaran na, Sabi noong isa nahihiya sila at nagso-sorry, hindi nila alam na abot sa ganito," ayon kay Police Major Anastacio Sibayan Jr., OIC, Tayug Police Station.

Source: GMA News Balitang Amianan

Post a Comment

0 Comments