Inihahanda na ng Pangasinan Police Provincial Office ang kaso laban sa 25-anyos na babaeng nagpakalat ng fake news matapos itong mag post sa kanyang social media account na mayroon umanong isang biktima ng kidnapping sa bayan ng Pozzorubio, Pangasinan na sapilitang isinakay sa isang itim na van.
Nagsanhi naman ng takot at pangamba ang naturang post kaya agad na nagsagawa ng cyber patrolling ang pulisya ukol dito.
Kinuha ang panayam ng biktima maging ang kapitbahay nito na posibleng nakakita umano sa insidente.
Kabilang din sa tingnan ng kapulisan ang CCTV footage upang maisagawa ang balidasyon ng report.
Matapos ang masusing imbestigasyon ay lumalabas na walang basehan at hindi totoong nangyari ang ipinost ng naturang facebook user.
Agad namang nakipag-ugnayan ang Pangasinan PPO sa PNP Anti Cybercrime Group 1 upang masampahan ang babaeng nagpakalat ng fake news ng paglabag sa Violation of Article 154 ng Revised Penal Code in relation to section 6 RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Binigyang linaw naman ni PNGPPO Provincial Director PCOL Jeff Fanged na hanggang sa ngayon walang kidnapping na nangyayari sa probinsya o kidnapping groups na nag-ooperate sa Pangasinan.
Gayon din na magsilbi umano itong aral sa mga nagpopost ng walang katotohan na ito’y itigil na dahil maaring kasuhan at maipiit sa kulungan.
Source: iFM Dagupan Team RMN Networks
0 Comments