Sa murang edad, nakaipon na ng P4 milyon at nakapagpagawa na rin ng bahay ang isang dalagita dahil sa paglalaro ng online game na Mobile Legends. Ang mentor nito, ang kaniya pa mismong ama.
Sa ulat ng GMA News, ginawa na rin umanong kabuhayan ng online gamer at livestreamer na si Jiji Dela Cerna ang online games.
Kwento ni Jiji, "Noong bata po talaga ako, mahilig po talaga ako sa mga laro. Ang dami ko pong laro na inaalam, siguro five years old o six."
"Una ko po siyang nakita kay daddy, naglalaro siya. Tapos tinanong ko kung ano 'yung nilalaro niya, sabi niya ML daw po. Nagpaturo po ako kay daddy," dagdag nito.
Noong una ay hindi naman umano pabor ang kaniyang ina sa kaniyang paglalaro. "Sa totoo lang po noong una talaga against ako sa laro kasi nga po may school. Pero lately, na-realize ko na gusto po talaga ni Jiji na 'yung laro niyang 'yun, 'yun pala rin 'yung makakapagpatupad ng ibang pangarap niya."
Kung noon ay nasa 1.2K lamang ang followers ni Jiji, Ngayon ay nasa 4.1 milyon na.
Dahil sa larong Mobile Legends, naabot ni Jiji ang pangarap niyang bahay at pangarap niya sa buhay.
0 Comments