"Tandaan lang natin na hindi ibibigay ng Diyos kung hindi mo kaya. Laban lang dahil ang totoong hamon ng buhay ay haharapin pa lang natin pagkatapos maka-graduate. Mahirap ang buhay lalo na ngayon pero mas mahirap kung wala ang Diyos sa buhay natin”
Ito ang mga katagang pinanghawakan ni John Carlos Moya ng Daraga, Albay para pag-igihan at magsumikap na makapagtapos nang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Bicol University.
Kuwento ni Moya, labis na pagtitiyaga at sakripisyo ang kaniyang naging puhunan para makamit ang tagumpay. Nagsumikap siyang makapagtrabaho kahit nag-aaral para kumita.
Sa mahigit anim na taong pagiging working student simula high school, naranasan niyang maging crew sa isang fast food restaurant, magtrabaho sa munisipyo, at pumasok sa mga summer job.
Marso 2021 nang magdesisyon siyang pumasok bilang food delivery rider dahil kailangang operahan ang amang nagkakatarata.
Pagkatapos nang halos 12 oras ng na trabaho, saka niya naman ginagawa ang lahat ng kaniyang takdang-aralin. Gutom, init, at ulan ang kaniya aniyang tinitiis sa trabaho.
Sa kasagsagan ng #COVID19 pandemic, kapag may online class at habang walang booking ay uma-attend si Moya sa klase at kapag may delivery naman ay hinahayaan niyang nakabukas ang cellphone at nakikinig sa lesson habang nasa biyahe. (📷: Moya) | via Karren Canon
0 Comments