Breaking News

Advertisement

DSWD Senior Citizen Social Pension Bayan ng Los Baños | DSWD News Update

ADVISORY: 2022 1st QUARTER DSWD SOCIAL PENSION SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG LOS BAÑOS

Narito po ang listahan ng mga piling Senior Citizen na hindi po nakakuha ng kanilang DSWD SOCIAL PENSION dito sa bayan ng Los Baños.

PETSA: MARSO 21, 2022
VENUE: Activity Area, Municipal Hall of Los Baños
ORAS: 9:00AM-12:00PM

MGA UPDATED REQUIREMENT:
Kung Senior Citizen ang kukuha:
1. Photocopy ng Back-to-Back ng OSCA ID (Malinaw at may pirma) (Thumbmark kung hindi na kayang pumirma). Huwag kalimutang lagyan ng tatlong orihinal na pirma o thumbmark ang photocopy ng inyong ID. 

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa OSCA kung may corrections ang inyong ID upang mapalitan agad bago ang PAYOUT.

Kung Authorized Representative ang kukuha:
1. Kailangang nasa hustong gulang at hangga’t maaari ay malapit na kamag-anak ng benepisyaryo. 

2. Photocopy ng Back-to-Back ng OSCA ID ng benepisyaryo (Malinaw at may pirma) (Thumbmark kung hindi na kayang pumirma). Huwag kalimutang lagyan ng tatlong orihinal na pirma o thumbmark ang photocopy ng ID ng benepisyaryo. 

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa OSCA kung may corrections ang inyong ID upang mapalitan agad bago ang PAYOUT.

3. Photocopy ng Back-to-Back ng kahit na anong valid Government ID (kung walang valid ID, pinapayagan ang Voter’s Certification kung ito ay inisyu ngayong 2022) ng Authorized Representative ng benepisyaryo (Malinaw at may pirma). Huwag kalimutang lagyan ng tatlong orihinal na pirma ang photocopy ng Authorized Representative ID. 

*Ang Membership, Loyalty, School ID, Organization ID at Company ID ay hindi pinapayagan. 

3. Authorization Letter na inisyu ng OSCA na pirmado ng benepisyaryo at Authorized Representative. Siguruhing mayroon na itong pirma ng MSWD/OSCA. Ang sulat-kamay na authorization letter at may erasure ay hindi tatanggapin.

4. Magpakuha ng larawan na hawak ang inyong government valid ID at authorization letter, katabi ang senior citizen na may hawak naman ng kanyang OSCA ID.

Kung Patay na ang Senior Citizen Beneficiary: 
1. Photocopy ng OSCA ID (kung available)
2. Warranty and Release from Liability (makukuha ito sa inyong barangay/Pangulo ng mga Senior Citizen ng inyong barangay) na may kumpletong sagot ng authorized representative at pirma ng MSWD/OSCA. Bawal din ang may erasure.
3. Photocopy ng Death Certificate na mayroong registry number (kung hindi pa ito available ay magbigay ng certification na mula sa ating CIVIL REGISTRAR na may detalye o rason ng pagkamatay ng benepisyaryo. 
4. Photocopy ng Back-to-Back ng kahit na anong valid Government ID (kung walang valid ID, pinapayagan ang Voter’s Certification kung ito ay inisyu ngayong 2022) ng Authorized Representative ng benepisyaryo (Malinaw at may pirma). Huwag kalimutang lagyan ng tatlong orihinal na pirma ang photocopy ng Authorized Representative ID. 

MGA PAALALA:
1. Magsuot ng FACE MASK;
2. Dumating sa itinakdang oras para sa inyo;
3. Mangyari lamang na huwag nang magsama ng menor de edad (17 taong gulang pababa);
4. Kung kayo ay may sakit, mangyari lamang na huwag na po kayong pumunta;
5. Magdala ng sariling ballpen at alcohol.

Para sa mga katanungan tumawag lamang sa (049) 530-2818 local 105

Maraming Salamat po!

Post a Comment

0 Comments