Breaking News

Advertisement

Bakla at tomboy, Ikinasal sa Ilocos Norte.

GAY AT LESBIAN, IKINASAL SA ILOCOS NORTE. Mas makulay pa sa bahaghari kung ilarawan ng mag-asawang miyembro ng LGBT community sa Vintar ang kanilang pag-iibigan.

Si Jake Lorenzo, 18, at Rosebelle Sabado, 23, ay ikinasal sa isang civil wedding bago mag-Pasko.

Kuwento ng dalawa, nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa social media at akala ni Jakie noong una ay lalaki si Arvie.

Matapos ang isang buwang pagbi-video all ay personal silang nagkita at sa unang pagtatagpo ay sinabi ang kanilang nararamdaman sa isa't isa at dito na rin pormal na naging magkasintahan.

"Wala nang ligawan, wala nang gano’n kasi siyempre, kasi kung minsan kung mahal mo 'yong tao ay wala nang ligawan… Ang tinanong ko lang ay kung kami na, sumagot namam siya ng oo," sabi ni Jakie.

Mensahe ng dalawa sa mga nagmamahalan, "Respeto ang dadalhin natin araw-araw and of course, huwag kayong mahiya kung ano ang isinisigaw ng inyong puso. Huwag pakinggan ang opinyon ng ibang tao, dinggin mo ang opinyon mo at pamilya mo. Sundin mo kung ano ang sinisigaw ng iyong puso at huwag ang desisyon ng ibang tao."

Post a Comment

0 Comments