Kinumpirma ng mga kaanak at lokal na pamahalaan ng Kabankalan City, Negros Occidental ang pagpanaw ni Lola Iska.
Noon lamang ika-11 ng Sityembre nagdiwang ng ika-124 na kaarawan si Lola Francisca.
Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang isagawa ang mga hakbang upang maberipika ang mga dokumento tungkol kay Lola Iska upang maideklara siya ng Guinness World Records bilang pinakamatandang tao sa mundo na nabubuhay pa.
Matatandaang sinabi niya na ang sikreto niya na pampahaba ng buhay ay ang pagkain ng gulay.
Sa kasalukuyan, naninirahan sa Japan ang may hawak ng titulong world's oldest living person sa katauhan ni Kane Tanaka, na isinilang noong 1903.
0 Comments