Mahigit 100 motorcycle riders ang nahuli matapos lumabag sa helmet law sa probinsya ng Bulacan, ayon sa Inter-agency Council for Traffic (I-ACT).
Bukod sa paglabag sa batas patungkol sa non-essential travels na ipinapatupad, nilabag rin ng mahigit 100 rider ang batas na na kinakailangan ang helmet sa pagsakay ng motorsiklo.
Ayon sa I-ACT, ang nahuling mahigit 100 rider ay nasita sa McArthur Highway sa Bocaue, Bulacan noong Lunes, ika-23 ng Agosto.
Sa 116 nahuli na rider noong Lunes, 95 sa mga ito ang lumabag sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009. Ang mga nahuling lumabag ay inisyuhan ng temporary operator’s permit (TOP) at pinagmulta ng P1,500.
Ikinadismaya naman ng I-ACT ang dami ng lumabag kung kaya ayon sakanila, paiigtingin nila ang pagmomonitor sa mga bumabiyahe at pagpapatupad ng batas trapiko sa mga istasyon ng bus at highway.
“The I-ACT, along with partner agencies, continue to strictly enforce traffic laws and health protocols, to ensure the safety of motorists and commuters,” saad ng I-ACT.
Kamakailan, noong Linggo, matatandaan na ang Philippine National Police (PNP) ay nakapagtala ng mahigit 100,000 ka-tao na lumabag sa quarantine rules. Kasama dito ang mga rider ng motorsiklo na nahuli sa mga checkpoints sa Metro Manila, probinsya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

0 Comments