Breaking News

Advertisement

Isang lalaking nakasaklay, Biglang napatakbo para manghabol ng pananaksak.


 

Isang lalaking nakasaklay ang lagi umanong nakatambay sa EDSA Carousel sa bahagi ng Ortigas City para manghingi ng limos. Pero nang sitahin siya ng isang traffic marshall, nagawa niyang bitawan ang saklay at makatakbo nang mabilis para habulin ng saksak ang awtoridad.


Sa ulat ni Dano Tingcungco sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, makikita sa video ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang pagsunod ng isang marshal sa lalaking nakasaklay hanggang sa dulo ng busway.


Ayon sa marshall na nakilalang si Seaman Second Julius Abundol ng Philippine Coast Guard, nakatanggap siya ng reklamo mula sa dalawang commuter na nanghihingi ng pera ang lalaki. Pero kapag hindi binigyan ay nagmumura at naglalabas ng patalim.


Ayon pa kay Abundol, tutulungan sana niyang makatawid ang lalaki sa kabilang bangketa ng EDSA papalayo sa mga commuter pero hinabol na siya nito ng saksak.


Dumating naman ang isang taga-Highway Patrol Group na police escort na tumulong kay Abundol na makontrol ang lalaki at makuha ang patalim.


"Sa isipan ko sir, nakasaklay eh, tapos nakatakbo?!" sabi ni Abundol.


📷: Inter-Agency Council for Traffic

Post a Comment

0 Comments