Ibinahagi sa News5 ng batang artist na si Mark Noel Daras mula Tarangnan, Samar ang mga viral niyang art work na gawa sa kape.
Ilan sa mga obra niya ang coffee painting sa mukha nina Pres. Duterte, Idol Raffy Tulfo, Doc Willie Ong, Mother Teresa at Rico Blanco. Maging ang Last Supper ay nagawan na rin niya ng coffee art.
"Lubos ko po kasi silang hinangaan sa kanilang mga pagtulong, mga nagawa at mga iniambag sa lipunan, lalong lalo na po ang ating mahal na presidente. Sa pamamagitan ng pagguhit, dito ko po ipinapakita ang aking pasasalamat, ❤️" kuwento ni Daras sa News5.
"Natutunan ko po ang technique na ito dahil nitong mga nagdaan na quarantine ay naubusan ako ng mga materyales. Naisipan ko po na mag-explore at dito ko po natutunan na puwedeng gamitin ang kape sa pagguhit," dagdag ni Daras.
📷: Mark Noel Daras
0 Comments